Filipino
Ano Na Ang Aking Gagawin?
Mahal ko siya. Nagawa namin ang mga bagay na hindi dapat gawin. Mahal niya raw kasi ako eh. Ako'y napagsabihan at napagbawalan ngunit sinuko kong lahat dahil sa pag-ibig.
***
Sa pagdilat ng mata, paningin ay tila umiikot. Tiyan ay nangangarag, suka'y dumaloy sa marikit na lalamunan. Hindi na ako mapakali, isip ay napuno ng agam-agam. Agad kinuha ang parihaba, dalawang linya'y lumabas. Mundo'y bumagsak sa balikat. Hinablot ang telepono't pangalan mo ang nakita. Ngunit guwang na tunog lamang ang umabot sa tenga. Sinubukang muli, at sa pagkakataong iyon, tinig mo'y narinig. Tinanong mo ako kung bakit ako napatawag pero walang lumabas sa aking bibig. "Bakit ka tumawag?" tanong mo. "Magiging ina't ama na tayo. Anong gagawin ko?" At tayo'y nabalot ng katahimikan.
***
Akala ko masaya ka. Akala ko rin magagalit ka. Pero ang sunod mong nasabi sa akin ang nag-bago sa lahat. "Pigilan mo iyan. Marami pa akong gustong gawin." At nawala ka na. Napasalampak ako sa sahig at mga luha'y tuluyan nang dumaloy. Ano na ang aking gagawin? Hindi ko kaya 'to. Hindi napigilan ang bugso ng damdamin, pangamba ang nananaiig. kailangan ko ng patnubay ngunit puro sakit at takot ang bumabalot sa aking munting isipan. "Bakit ko nga ba nagawa ito?" tanong ng hindi maalis sa aking utak. Yakap ng aking ina'y hinahanap-hanap subalit alam kong ikakahiya niya lang ako. Isa na akong salot sa lipunan. alam ko na biyaya ito galing sa itaas ngunit di nila ako mauunawaan. Tama siya. Dapat ngang pigilan ito. Pipigilan kong lahat para lumuwag and paninikip ng dibdib ng aking ina. Ang tanaw ko'y napunta sa boteng babasagin. Kailangan kong gawin ang nararapat. Sinunggaban ko na at dali-daliang natabunan ang bibig ng mapait na mga tableta. Nilunon ko ang lahat. Tama ang ginawa ko. Sa ganitong paraan, may magagawa pa ang mahal ko. Sa ganitong paraan, hindi mahihiya ang aking Ina. Sa ganitong paraan, hindi na ako salot sa lipunan. Ibang sakit ang naramdaman ko. Pasensya ka na, Anak. Sandaliang panahon ka lang nabuhay sa mundong ito. At winasak ko kaagad ang buhay mo. Gaya ng pagwasak ko sa buhay ko. Pero ito ang nakabubuti. Kahit na masakit, kahit na nakakahilo, nailigtas kita sa mundong magulo. Hindi ko naipakita sa iyo ang katotohanan na ang mundong ito'y hindi natin kakayanin.
***
Nagdidilim na ang aking paningin. Ito na ba ang huling sandali mo, o nating dalawa? Hindi ko na alam. Naramdaman ko ang mga luhang humahalik sa aking pisngi. PInagsisisihan ko na ang aking nagawa. Mahal ko ang Ina ko, mahal ko ang nagdala sa ating lalaki dito, mahal ko ang anak ko, mahal ko ang buhay ko. Hindi ito ang dapat kong ginawa. Ipagpatawad sana nila ako sa nagawa ko. Mali ito.